« September 2005 | Main | November 2005 »
October 03, 2005
Pinoy Ako
I must admit, enjoy ako manood ng Pinoy Big Brother.Wala pa akong na miss ni isang episode sa primetime, pati Uplate na ala una na ng madaling araw pinapanood ko. At may 24/7 live stream din kami sa Internet sa PC ko (courtesy of Ate Sienna) at sa Laptop ni Tonti. Nakakaaliw ang live stream para kang may mga alagang hamster sa aquarium na binibisi-bisita kung anong ginagawa nila.Kulang na lang bumoto ako...at talagang boboto ako pag si Uma ang na nominate noh! Gusto ko si Uma, karakter talaga! Walang pakialaman!
At bago ko makalimutan, meron din akong ringtone ng PBB. hehehe
Sef update....
4 mos na si Sef, 16.2 lbs at lalong nagiging cute!

Itong mga anak ko kakatuwa, iba-iba ang itsura, iba-iba ang personality, pati kulay nila iba-iba. Si Pancho sabi nila Sanchez daw, si Maki naman Manaloto daw, at si Sef si Dada daw. Anu ba yun, pano naman ako? Naku wala na akong balak na magkaron pa ng pang apat na anak para lang magkaron ako ng kamukha. Ok na sa akin yung nakuha nila yung charms nila sa akin. :) O sya, sige na nga, ang utak nila nakuha na kay Ate Sienna. At ang kakulitan, courtesy of Tonti.

Posted by gretch at 03:32 PM | Comments (7)


