« August 2005 | Main | October 2005 »
September 16, 2005
Makapagyabang nga...
Once again Pancho has made me proud. Top ten sya for the first quarter. His general average was 91.34 and sabi ng teacher nya yung top three nila got an average of 91.2 ata. Imagine from the top 3 to the top 10 puro 91 grades nila. Sabagay ever since nag grade one sya hindi bumababa ang average nya ng 90. Last year naman nag top 7 sya. Very good kuya! And speaking of kuya, last night pinatulog ko sya sa kwarto namin kasi miss na daw nya matulog sa tabi ko. So bago matulog pray sya... "Dear God, thank you for giving me my baby brother Sef, thank you for giving me a nice mom, thank you for giving me a hardworking dad, thank you for giving me a loving brother and thank you for giving me...(natigil sya sandali) for giving me, myself."
At syempre kung proud ako kay Kuya proud din ako kay Maki. Although hindi sya kasama sa top ten, kasali naman sya sa declamation contest this coming October. Si Maki kung nag seseryoso lang sa pag aaral smart din eh. Ever since pre school sya yun ang comment ng teacher sa kanya, matalino daw pero sobrang kulit. Typical na bata talaga si Maki, malikot, makulit, mahilig mang inis pero napaka loving na bata. Hindi yan nakakalimot mag sabi ng "i love you". Tapos pag hindi mo sya kiss after nya mag i love you sasabihin nya "where's my huggy, kissy and lovey?" Nung isang gabi naman na night shift si dada umiiyak sya, tanong ko kung bakit, sabi nya "I miss my dada". Love na love nya si Sef, every morning pag gising nya punta na sya kaagad sa room namin para icheck kung gising na si Sef. Kung tulog pa si Sef, kiss nya tapos balik na sya sa kwarto nila para matulog ulit. At minsan pag creative moment sya gumagawa sya ng loveletter nya for kuya.


At Dahil mommy ako naiintindihan ko ang sinulat nya..."I love you kuya, whenever I see you I will always love you. Spongebob square pants is here" Kailangan ba kasali si spongebob?
At eto namang si Sef hindi pahuhuli, every morning pag gising nya naka smile kaagad sa akin pero pag si dada na ang nakita nya super excited na sya.

Kakatuwa talaga itong mga batang to.
Posted by gretch at 04:17 PM | Comments (4)


