Plain housewife(with cheese), married to a not so plain husband for 7 yrs (na naging boyfriend ng almost 10 yrs). Full time mother to 2 super kulit boys (may part time ba?) At nadagdagan pa ng isa pang boylet ulit! Second of four kids ng nanay at tatay na nasa bansang nasa taas pa ng Amerika. Full-time sister to a brother who's over 30 (at mas makulit pa sa mga anak ko). I have an older sister na ang ilusyon nya ay sya si Joyce Jimenez na sa tabi ni Mickey Mouse nakatira at isa pang sister na pangarap bumili ng bahay sa tabi ng Divisoria Mall or at least makapag-overnight stay sa Wellmanson Quiapo branch. Enjoys bonding with friends (na konti lang naman), mahilig sa mga "tayo-tayo parties"; (buti na lang naiimbita ako), magaling mag bait-baitan pag may mga new found friends kaya walang masyadong friends. Kasalukayang nawiwili sa photography, enjoys going to divisoria and quiapo at.... OO, FAN ako ni SHARON CUNETA!


Pancho
Maki
Moments

Search

Categories

Recent Entries

November 2005
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
    1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30      

Archives

Powered by
Movable Type 3.11

« June 2005 | Main | August 2005 »

July 14, 2005

Sef - 2 months na...

Bago ang lahat Happy Birthday Daddy!!!
We love you..miss ka na namin!
Syempre si Sef pa rin ang topic. Ang bilis lumaki ng batang ito o talagang mabilis talaga ang oras. Parang kelan lang newborn pa sya na walang kalaman laman. When I gave birth to him he was only 6.4 lbs. Now he's 2 months old and 5 lbs heavier. Almost double his weight. Kakatuwa talaga si Sef. We brought him to our pedia last week for his shots and napansin ng pedia na he's very attentive for his age. Ang advice nya laging kausapin si Sef pag gising sya kesehodang dis oras ng gabi daw. Tama si Doc pag kinausap mo si Sef talagang nakatitig sya sa yo with his almond eyes. Kaya si Kuya Maki lagi may kwento sa kanya tungkol sa happenings nya sa school, si Kuya Pancho naman kinakumusta sya palagi kung nag poopoo na sya, at kung gusto nya mag dede. Eto naman si Dada super proud dahil everytime lumalabas kami dapat sya ang may karga dahil laging napapansin na cute baby daw. At syempre kamukha daw nya. Hay naku iba talaga pag may baby.




Pero teka kung akala nyo na sa kanya lang umiikot ang mundo ko nagkakamali kayo. Syempre pasukan na naman kaya kailangan kong hatiin ang oras ko sa kanilang tatlo. Pagdating ng dalawang kuya from school kagulo na kami. Priority ko si Maki dahil nga feeling ko masyado pa syang bata para mag grade 1. Kasi naman sa August pa sya mag 6 yrs old kaya todo bantay ko sya when it comes to his studies. Minsan umuwi sya at pag check ko ng notebooks nya halos walang naisulat. Kaloka talaga! Ng mag check ako ng mga gamit nya eto ang nakita ko...

"Maki naman! Ano nangyari dito sa pencil mo? Bagong pencil ito ng binigay ko sa yo kanina di ba? Bakit ganito na kaliit? Kaya hindi ka makapagsulat ng notes mo nauubos oras mo sa kaka tasa ng lapis mo!" (high pitch yun ah!) At ang nasabi nya lang..."sorry Mom, but can you get mad at me in english also?"

Posted by gretch at 02:34 PM | Comments (3)