« September 2004 | Main | July 2005 »
June 17, 2005
Sef...
One month old na si Sef last June 10, one month na rin akong nakakulong sa apat na sulok ng kwarto. Paminsan minsan nakakalabas pag check up ni Sef or pag pumupunta sa in-laws. Masaya na ako pag nakapunta sa grocery o sa banko, pero syempre dapat kasama si Sef, nag iintay sa kotse kasama ng Dada nya. Para akong mother kangaroo na laging bitbit ang anak. Bakit hindi ko maiwan? Kasi naman full time breastfeeding mother ako. Pero salamat sa AVENT Breast Pump at nakalabas ako for the first time ng hindi sya kasama, as long as may naipon akong gatas sa freezer para maipakain sa kanya ng Dada nya. Pero dapat hindi lalagpas ng tatlong oras dahil kaya nyang laklakin ang dalawang 3 ounces na gatas ko in 3 hrs. Walang kabusugan ang mga sanggol talaga.
Hindi ako nagrereklamo ha, pag ganito naman ka kyut ang baby mo at ngingitian ka ng ganito pag busog, pano mo naman makukuhang magreklamo?
Posted by gretch at 02:10 PM | Comments (7)
June 02, 2005
I'm Back!!!
Hay naku...finally...after 254 years!!!
Grabe, record breaking ata dito sa pansitan itong pagkaka absent ko ng ganito katagal. Napadalhan na ako ng memo, binigyan na ng ultimatum at na home visit na ng web ninang eh hindi pa rin ako natinag sa pagkakatulog ko sa pansitan...imagine 8 mos din akong nawala. Well eto na ang pinakahihintay na update ng mga walang sawa sa pagbisita dito( actually si ate sienna at mga magulang ko lang naman yun..hehehe).
September....
Nag celebrate ng bday si Maki (6) and Chynna (2) sa McDonalds. Surprise namin ni Dada kay Maki yung party na yun pero para makapag cost cutting sinabay na namin sa 2nd bday ni Chynna. Syempre SpongeBob pa rin ang theme, kahit na conflict of interest kay Grimace.



October...
Trick or treat pa din sa North Ghills.
Excited si Maki kasi soldier sya, isa sa mga pangarap nya. And si Pancho naman pirate.

December...
Syempre Christmas time....buhay na buhay pa rin sa Santa, nakuha nila christmas wishes nila from santa pero syempre si Santa due to time constraints hindi na naman nakapgpakita sa mga bata pero dahil matakaw sya nakuha pa din nyang kainin yung cookies na para sa kanya.



March...
Graduation ni Maki sa Prep. Cute ni Maki, and surprisingly well behaved sya sa church kahit napakatagal na seremonyas.




ay nakatulog na kaya pala behave sya...
April...
Dumating si Matet. Syempre excited kami sa pagdating nya...(dahil nagpabili ako sa kanya ng two piece swimsuit..hehehhe). At for the first time naranasan nya kung gano kakulit ang mga pamangkin nya.


Nag advance 7th birthday party si Pancho sa Forest Hills nung April 25. February pa lang ata pinaplano na nya itong swimming party nya. Super enjoy mga kids.



May...
May 10. Ang highlight ng aking pagbabakasyon...
si Josef Joakim Manaloto Sanchez.



Posted by gretch at 01:54 PM | Comments (9)


