Plain housewife(with cheese), married to a not so plain husband for 7 yrs (na naging boyfriend ng almost 10 yrs). Full time mother to 2 super kulit boys (may part time ba?) At nadagdagan pa ng isa pang boylet ulit! Second of four kids ng nanay at tatay na nasa bansang nasa taas pa ng Amerika. Full-time sister to a brother who's over 30 (at mas makulit pa sa mga anak ko). I have an older sister na ang ilusyon nya ay sya si Joyce Jimenez na sa tabi ni Mickey Mouse nakatira at isa pang sister na pangarap bumili ng bahay sa tabi ng Divisoria Mall or at least makapag-overnight stay sa Wellmanson Quiapo branch. Enjoys bonding with friends (na konti lang naman), mahilig sa mga "tayo-tayo parties"; (buti na lang naiimbita ako), magaling mag bait-baitan pag may mga new found friends kaya walang masyadong friends. Kasalukayang nawiwili sa photography, enjoys going to divisoria and quiapo at.... OO, FAN ako ni SHARON CUNETA!


Pancho
Maki
Moments

Search

Categories

Recent Entries

November 2005
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
    1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30      

Archives

Powered by
Movable Type 3.11

« June 2004 | Main | August 2004 »

July 16, 2004

Hay naku....busy talaga pag school

Hay naku....busy talaga pag school days na. Typical day namin, breakfast, shower, around 11 am bring the kids to school, after 3 hrs pick up Maki, gawa ng assignments nya tapos review ng lessons, after 2 hrs si Pancho naman ang susunduin, gawa na naman ng assignments, review ng lessons. Pag katapos ng lessons rambulan then dinner, rambulan then shower, pag napagod na sila sleep na. Then next day ganun na naman. 
 
Ok lang yung tutorial namin ni Maki kasi pre school pa rin naman sya eh. Pero since he's too young to be in prep he's only turning 5 this August kailangan tutukan ko pa rin sya in fact binili ko sya ng isa pang set ng books kasi ang books nila iniiwan sa school, yung 2nd set nya pang review namin ng lessons nya pag nasa bahay kami. Si ate sienna syempre nag react dapat daw gamitin ko na lang yung books ni Pancho last year pang review. E kasi naman ang uso na ngayon worktext book. So yung mga books nila yun din ang sinasagutan nila. Kaya yung mga previous books hindi mo na magamit. Di katulad nung panahon natin ang libro pasa pasa hanggang mag ka gulagulanit na.
 
Si Pancho since Grade 1 na medyo madami ng subject.  At ang nakakaloka may Filipino na, may Makabayan pa na subject. So medyo hirap sya dun sa dalawang subjects. Minsan may seatwork sya ang daming mali. Sagutin daw ng OO o HINDI
1. Dapat bang hindi isali ang pandak sa pag lalaro?  Sagot ni Pancho.. OO
2. Dapat bang mainggit sa isang taong maputi ang balat at matangos ang ilong. Sagot niya..OO
Kasi naman anu ba yung mga tanong na yun?
Pag tinanong mo sya kung anong ibig sabihin ng pandak...hindi nya alam. Ang inggit hindi din nya alam. Sabi ko nga pag hindi nya naiintindihan ask nya si teacher eh. Hay naku....
 
-------------------------
 
The other day pag uwi ni Maki kwento sya sa akin...
Maki: "You know what Mom, Jesus was a car painter. I learned that in school kanina."
Mom:  "Anak, carpenter not car painter."
Maki: "oh"
 
--------------------------
 
Happy birthday to my Daddy last July 10. We love you!
And Happy Anniversary na din to my Mom and Dad this July 18.

--------

Posted by gretch at 11:36 PM | Comments (3)