« May 2004 | Main | July 2004 »
June 22, 2004
Back to school


-----------
Si Pancho ever since na alala ko pag dinadala namin sa barbero walang kareklamo reklamo. Kulang na lang bigyan mo ng kape at magpa manicure ng colorless.



Pero itong si Maki syempre kakaiba, sulit ang bayad sa barbero dahil nag uumpisa pa lang di na mapakali sa upuan, pasaway talaga!



-----------
Big boys na talaga sila...Si Pancho feeling kuya, nung isang araw nag offer sya na paliguan daw nya si Maki...kakatuwa.
Panay ang lecture ni Kuya about the "proper way of taking a bath" habang si Maki naman eh nagyayabang ng kanyang impersonation of a windshield wiper habang binabasa ni Kuya yung mukha nya.






-----------
Pancho's latest book...

-----------
di ko na kailangan i plugging ang manilena.com kasi sikat na sya eh....hehehe
--------
Posted by gretch at 12:10 AM | Comments (0)
June 20, 2004
Happy Father's Day! Happy Father's
Happy Father's Day!


Happy Father's Day din to Papa Ric, my father-in-law, to my grandfathers Papang and Papa (na magkasamang nag cecelebrate ng father's day sa heaven) at sa lahat ng mga Fathers (na kilala ko lang.)
Hay naku busy pa rin sa back to school activities...kaya next time na ang update sa activity ng mga kiddies...
--------
Posted by gretch at 01:03 AM | Comments (0)
June 02, 2004
Nakatanggap ako ng text message
Nakatanggap ako ng text message at bigla kong naalala ang masasayang panahon namin sa IRC.






Pitong taon na halos ang nakalilipas na makilala ko si Scarlet, sya ang nagpakilala sa akin kay Girlgrass at dun nabuo ang pagkakaibigan naming tatlo.

Bukod sa kanila madami pa akong mga nakilala dito sa internet, pero iilan lang ang hanggang ngayon eh tutuong kaibigan mo pa rin. Bakit ba nababanggit ko ito, eh kasi naman pitong taon at 8 anak na ang nakalilipas eto at magkakasama pa din kami, at saksi ang Punta Fuego.
To Scarlet and Blue, boygrass and girlgrass, thank you, nag enjoy kami talaga!
love,
DewBerrY.
(Sayang wala si Taran)

-0-0-0-0-0-0-0-0-0-
Nitong nakaraang linggo ay nadagdagan na naman ang kaibigan namin na dito din namin nakilala sa internet. Finally nakilala na din namin ni Sharon ng personal si Jet and Jay ng pansitan. Nag enjoy kami sa pagchichikahan kaya lang nga si Jay medyo masama talaga ang pakiramdam tapos nag text na lang si Jet at nasa ospital daw si Jay. Pero as of last text ni Jet ok na daw sya.
Get well soon Jay.
--------
Posted by gretch at 12:19 AM | Comments (0)


