« March 2004 | Main | May 2004 »
April 14, 2004
Katatapos lang ng holy week.
Katatapos lang ng holy week. Gaya ng dati, nag station of the cross lang kami mag pamilya pero this time si Pancho na ang nag lead ng station of the cross namin, habang si Maki eh kinakawayan lahat ng santo na makita namin. Pag tinanong mo sya kung bakit kasi daw "they're looking at me." Easter egg hunt sa bahay ng in laws at mass pagkatapos.
Back to swimming lessons. Two more days at tapos na ang swimming lessons. OK na si Pancho, napasa na nya ang survival lessons nya. Pinatalon sila sa diving board. At first talagang alam ko na ninenerbyos sya pero nag tapang tapangan. At pagkatapos ng unang talon aba nag enjoy! Ngayon tumatalon na sya kahit walang nakaabang sa kanya. So proud!






Si Maki naman ok na din...nakafloaters pa rin pero parang bracelet na dahil wala ng hangin. Pero ayaw pa rin nyang paalis, parang naging security blanket na lang nya yung floaters nya. Pero at least di na sya takot pumunta sa malalim which is his worst nightmare.



--------
Posted by gretch at 07:35 PM | Comments (0)
April 08, 2004
dear ninang gigi, i miss
i miss you. i love you very much.
please come back this christmas.
Pancho's first attempt in blogging. Took him 25 minutes to come up with this. The stickers (tawag nya sa smilies)are his personal choice from smiley central, and has mastered making use of the stickers using ctrl-v.
--------
Posted by gretch at 11:10 PM | Comments (0)
April 05, 2004
Day Three ng swimming lessons....
Day Three ng swimming lessons....
Tapos na ang maliligayang araw ni Maki sa swimming pool. Takot kasi si Maki pag di na nya naaabot ang sahig ng pool kahit naka floater sya. Eh since day one sa 3.5 ft na sila agad nag start. So lagi syang nakakapit sa leeg ng Coach nya. Ni ayaw mag practice mag bubbles. (breathing exercise sa pool). Third day ng lessons di na sya umubra. Ayaw nya mag arm floats dahil alam nyang bibitiwan sya. At true enough binitiwan nga sya so kailangan nyang magkakawag para umabot sa gutter. Naka armfloats naman sya pero nag iiyak at sigaw ng sigaw .... "I'm not an expert in swimming!! I need help!! Don't leave me alone..somebody help me!!" Sabi ng coach nya sa akin, "mapapagod din po sya sa kaiiyak at kasisigaw" sabi ko naman.."sige goodluck na lang...". Twenty minutes na ang nakalipas rinig na rinig pa rin ang drama nya sa buong clubhouse! Sa isip isip ko....kung di man sya matutong mag swimming at least bago matapos ang swimming lessons nya magaling na syang kumanta dahil nag vovocalize sya habang nakalubog sya sa tubig parang Regine Velasquez.
Si Pancho naman very impressive sa third day nya. Magaling na sya mag glide sa ilalim. At nakakatalon na sya sa adult pool.
Day Four...
Patuloy pa rin ang drama ni Maki pero mas subdued na ang acting nya. Naka armfloats pa din sya pero hindi nya napansin na konti lang ang nilagay na hangin ng coach. Kakatuwa kasi reklamo sya ng reklamo habang lumalangoy papunta sa coach nya. Pero nagagawa naman nya.
Freestyle exercises na ang tinuturo kay Pancho. Bilib ka dito sa batang ito..determinado sa lessons nya. Hindi umaangal kahit ilang beses syang palanguyin pabalik balik, basta pakainin mo lang sya ng Carbonara after the lessons (pero dapat ang serving good for two). Hay naku...kakatuwa.
0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0
HAPPY BIRTHDAY NINANG GIGI!!! We Love You!
From,
Chino, Gretch, Pancho and Maki
--------
Posted by gretch at 07:04 PM | Comments (0)
April 03, 2004
Summer na naman, at





First day ng lessons, ok naman sila, lalo na si Pancho very attentive sa coach at seryosong matuto. Si Maki naman walang tigil ang pamumulitika sa coach nya para hindi sya dalhin sa malalim. Naku, goodluck na lang sa coach nya at mukhang, masusulit yung binayad ko sa kanya.
Second day ng lessons, si Pancho gising na ng 7:00 am for their 8:30 am sched. Si Maki tulog na tulog pa rin at nung ginigising ko eh ayaw na daw nya mag lessons kasi ayaw daw nya sa malalim. Ayaw daw nya yung teacher nya kasi girl, gusto daw nya pareho ng teacher ni Kuya. Ang daming alibi! Naku mukhang ang ending ako ang magtutuloy ng swimming lessons nya!


Sabi ko sa kanya sige, pero hindi sya pwedeng sumama sa Club kung hindi sya aattend ng lessons nya. Sa bahay lang sya at di sya pwede mag laro ng PS2. Sabi ko sa kanya "Learning Time" namin yung 8:30 am - 11:30 am. Kung gusto nya ihahatid ko sya sa school para mag aral sya ng reading and writing. Gusto nya sa bahay lang daw sya mag aral ng reading and writing. Sabi ko wala syang kasama sa bahay kundi ang mga yaya pwede syang turuan na maglinis ng bahay at mag aral mag laba ng mga damit nya kung gusto nya. Ay sama na lang daw sya sa swimming lessons. Pagdating nya sa Club, hyper na naman sya. Naku si Maki talaga.
Happy Birthday Mamang, April 3. Kay Matet (aka Ate Sienna), April 6. At kay Mama Alma sa April 10. We love you!
--------
Posted by gretch at 12:29 AM | Comments (0)






