Plain housewife(with cheese), married to a not so plain husband for 7 yrs (na naging boyfriend ng almost 10 yrs). Full time mother to 2 super kulit boys (may part time ba?) At nadagdagan pa ng isa pang boylet ulit! Second of four kids ng nanay at tatay na nasa bansang nasa taas pa ng Amerika. Full-time sister to a brother who's over 30 (at mas makulit pa sa mga anak ko). I have an older sister na ang ilusyon nya ay sya si Joyce Jimenez na sa tabi ni Mickey Mouse nakatira at isa pang sister na pangarap bumili ng bahay sa tabi ng Divisoria Mall or at least makapag-overnight stay sa Wellmanson Quiapo branch. Enjoys bonding with friends (na konti lang naman), mahilig sa mga "tayo-tayo parties"; (buti na lang naiimbita ako), magaling mag bait-baitan pag may mga new found friends kaya walang masyadong friends. Kasalukayang nawiwili sa photography, enjoys going to divisoria and quiapo at.... OO, FAN ako ni SHARON CUNETA!


Pancho
Maki
Moments

Search

Categories

Recent Entries

October 2005
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
            1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31          

Archives

Powered by
Movable Type 3.11

« February 2004 | Main | April 2004 »

March 27, 2004

Hindi ako umaarte, hindi rin

Hindi ako umaarte, hindi rin ako nag dradrama....pero this past few days na dedepress ako talaga. Imbes na matuwa ako nalulungkot ako. Pano ba naman grumadweyt na si Pancho ng Prep at next school year Grade 1 na sya. Iba na ang dating sa akin pag elementary na ang bata parang di na talaga baby. Kung pwede lang pigilan ang panahon para forever na lang silang toddlers. Kaya lang ayoko din naman silang maging parang si Mahal at si Mura.

This coming May 8, 6 years old na sya. And as the days go by, madami na syang mga pahiwatig na grown up na daw sya talaga sabi nya. Naliligo na sya mag isa, hindi na sya laging bumubuntot sa akin kasi he might get bored daw kung saan ako pupunta, marunong syang mag install ng games nya sa PC, turuan ko daw sya mag email kay Papa Romy and Ninang Gi, ang pag tetext messaging matagal na nyang natutunan, nag lalaro na sya ng Magic The Gathering na trading cards, he wants his own subscription of K-Zone magazine and Games Master, madami pang mga signs na nag ma matanda na sya pero ang the height eh gusto na daw nya mag laro ng The Sims! Pag 6 years old na daw ba sya eh pwede na syang mag Sims?

Lalo na ng nakita ko itong picture na ito na naka bow tie na kinunan a few days before their graduation sa school, naloka ako! Gusto ko ma galit kasi bakit mukhang matanda sya dito? Gusto kong awayin yung photographer ng school...ano ba naman tong posing na to eh mukhang gragradweyt na ng grade 6 ito eh mag si six years old pa lang si Pancho. Tapos sabi pa ni Pancho sa kin..."Mom, how nice my picture here noh? I look like a small Dada."

Buti pa itong isang graduation picture mukha pa talaga syang baby... Next year si Maki naman ang gragradweyt ng Prep. Hay naku....

Congratulations Pancho! We love you very much! From Dada, Mom
"Congratulations Kuya, you did a great job!" sabi ni Maki kay kuya nya sabay kiss.


--------

Posted by gretch at 10:26 AM | Comments (0)

March 13, 2004

Every night before we go

Every night before we go to sleep Pancho always has a lot of questions in mind. One of his question that really made me think was...
"Mom, did I have a birthday when I was born or you just made a cake for me?"

--------

Posted by gretch at 12:59 PM | Comments (0)