« July 2003 | Main | September 2003 »
August 19, 2003
HAPPY BIRTHDAY MAKI!
Happy Birthday Tonti - July 31
Happy Birthday Sophia, Stella and Maki - August 14
Happy Birthday Lishi - August 19.
Daming birthday...Tonti's 32 already. Ito naman si Sophia, Stella, Lishi and Maki 4 yrs old. Oo..sabay sabay kaming preggy. Si Sharon kay Sophia and Stella, Si Ye kay Lishi at pati din si Des kay Marco although September pa sya nanganak.Si Sharon and Des are my IRC (Inter Relay Chat) friends na naging IRL (In Real Life) friends. We've known each other for almost 6 yrs now. While si Ye naman, almost 20 yrs ko ng friend.
Excited si Maki sa birthday nya dahil alam nya madami syang gifts na matatanggap, bukod sa Incredible Hulk party na ina asam asam, nya dumating pa ang kahon galing sa Canada.
Ayaw nya mag party sa school dahil wala naman daw nagbibigay ng gift sa school. Feeling nya lugi sya. Tama nga naman, imagine pakakainin mo sila tapos wala man lang gift! Matalinong bata.
So after school, he opened his presents from us then we went to watch Finding Nemo as promised. Syempre may party pa rin sya..Incredible Hulk Party. Sinabay na namin sila ni Lishi ng party since pareho lang naman kami ng bisita...tipid pa.
Thanks kay Mama Gie, Papa Romy and Ninang Gigi for the pasalubongs, and of course kay Ye.
Check out the pictures from Maki and Lishi's 4th birthday party.
--------
Posted by gretch at 01:29 PM | Comments (0)
August 07, 2003
Lizzie



Dati pag tinanong mo si Pancho kung may girlfriend na sya nagagalit sya kasi ako lang daw girlfriend nya. Ngayon may kahati na ako sa puso nya. Ngayon lang sya nag ka "crush" imported pa. Napapansin ko na lagi nyang inaabangan itong Lizzie McGuire sa Disney channel, sabi ko pa nga pang girls yun bakit type nya. Ang palusot nya natatawa daw sya dun sa little bro ni Lizzie. Eto pa..nagkaron ng movie ang Lizzie...at ibinili ko ng DVD tuwang tuwa, once a day pinapanood. Sabi ko iba na to. Finally inamin nya..."mom, I like Lizzie that's why I'm always watching the movie." I asked him why...kasi daw she's smart and she's pretty daw and she has nice eyes daw.


Until one day nagkaron na sya ng lakas ng loob na sumulat ng love letter! At di sya nagpaturo sa kin ha! Ilang araw na nyang hawak itong letter na to na pinagkakatiklop tiklop pa ng pagkaliit liit. Saan daw nakatira si Lizzie? Sabi ko US eh...sabi nya..."Mom can you use the internet and yahoo mail my letter to Lizzie?" sabay pakita nya ng letter nya. Naloka ako sa letter nya.."Pancho and Lizzie McGuire and Polw(Paolo). I love you Pancho boy" yun daw sabi ni Lizzie sa kanya. Sabi ko bakit kasama pa si Paolo yung love interest nya sa movie, kasi daw sa movie si Paolo ang partner ni Lizzie, pero sa movie lang daw yun.
Nung nakita ni Maki yung letter ng kuya nya YUCKKKK daw kasi kissing daw sila. Napaisip ako...parang na tense ako..may crush na si Pancho!!! Pero on second thought mas mabuti na ata yung may gusto sya kay Lizzie kesa naman gusto nyang maging Lizzie noh!




Posted by gretch at 09:28 AM | Comments (0)


