Plain housewife(with cheese), married to a not so plain husband for 7 yrs (na naging boyfriend ng almost 10 yrs). Full time mother to 2 super kulit boys (may part time ba?) At nadagdagan pa ng isa pang boylet ulit! Second of four kids ng nanay at tatay na nasa bansang nasa taas pa ng Amerika. Full-time sister to a brother who's over 30 (at mas makulit pa sa mga anak ko). I have an older sister na ang ilusyon nya ay sya si Joyce Jimenez na sa tabi ni Mickey Mouse nakatira at isa pang sister na pangarap bumili ng bahay sa tabi ng Divisoria Mall or at least makapag-overnight stay sa Wellmanson Quiapo branch. Enjoys bonding with friends (na konti lang naman), mahilig sa mga "tayo-tayo parties"; (buti na lang naiimbita ako), magaling mag bait-baitan pag may mga new found friends kaya walang masyadong friends. Kasalukayang nawiwili sa photography, enjoys going to divisoria and quiapo at.... OO, FAN ako ni SHARON CUNETA!


Pancho
Maki
Moments

Search

Categories

Recent Entries

October 2005
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
            1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31          

Archives

Powered by
Movable Type 3.11

« March 2003 | Main | May 2003 »

April 30, 2003

"I didn't do anything!!!"

Nakakaloka talaga itong mga boylets...pag nag aaway sila at may umiyak unahan silang mag sumbong. There was one time umiyak si Pancho...itong si Maki takbo kaagad sa kin para mag explain.

Mom: Why is kuya crying? What did you do?
Maki: Mom, I didn't do anything .. I just kicked him in the back!
Ahhh...ok...wala naman palang ginagawa si Maki, sinipa lang nya Kuya nya....

Pero syempre hindi pa dun natatapos yun...after a few hours...si Maki naman ang umiyak syempre si kuya naman ang nagsumbong...para akong presinto.

Mom: What happened? Why is Maki crying?
Pancho: Mom...we were playing and then I boxed Maki in the mouth but his teeth didn't come out naman eh!
Yun naman pala eh...di naman natanggal ipin ni Maki...ok lang yun...no harm, no foul.

--------

Posted by gretch at 10:50 AM | Comments (1)

April 24, 2003

Extra Bed

Two weeks from now birthday na ni Pancho. Unlike before ako lahat nag paplano ng birthday nya but this time sya na ang nagsasabi kung anong gusto nya for his 5th birthday. Ayaw na daw nya mag party, instead he wanted to go swimming na lang daw at overnight stay ang gusto. So naghahanap na ako saan pwede mag overnight. Gusto ko sana sa Caylabne but he said he wanted a pool instead of a beach, at ang impression nya pag beach expensive parang Boracay. One time I was reading a flyer of a resort somewhere in Cavite. Nakibasa din sya and ang binabasa nya yung rates...

Pancho: Mom, is it nice here in Water Camp?
Mom: It looks nice...
Pancho: Is it expensive to stay overnight here?
Mom: Not as expensive as Boracay...
Nakatitig pa rin sya sa rates na parang may hinahanap...feeling alam nya binabasa nya...
Pancho: Mom.. I have an idea!
Naku eto na naman sya with his bright ideas...
Pancho: We'll all stay na lang in the EXTRA BED!! Look it's very cheap...five, zero, zero...di ba Mom that's not expensive?

Galing talaga ng mga ideas ng anak ko!


--------

Posted by gretch at 02:35 PM | Comments (0)

April 18, 2003

Trip to Tagaytay

Hay naku ang init grabe! Tagal kong di nag update. Nag bisi bisihan. Hirap talaga pag bakasyon na ang mga kids. Masyadong ma aligaga. Ang favorite past time nila aside from playstation eh "ubusan ng lakas". Sigawan, takbuhan, karate at kung ano ano pang activity na ang ending away. Sa laro nila kadalasan ako ang nauubusan ng lakas at pasensya sa kakaawat bukod kay ate Bing na yaya nila. Buti pa itong kaibigan ko na si Sharon may bagong activity ngayong summer ang mag alaga ng pang apat nyang anak na si Buffy. At kung hindi ako nagkakamali balak pa nilang magkaron ulit ng pang limang activity! Sige good luck na lang sa inyo sana boy naman ulit!

We went to Tagaytay yesterday. Doon naman nila inubos ang lakas nila. Nag palipad ng Saranggola, nag RC, nag lakbay sa tulay, nangabayo, at nag mini zoo. O diba talagang inubos ang lakas nila. Pero syempre di naman namin nakalimutan na Huwebes Santo so pag uwi daan naman kaming simbahan para mag recharge :) Naku sa Sunday Easter na...saan naman kaya nila uubusin ang lakas nila?

Trip to Tagaytay Pictures
--------

Posted by gretch at 06:08 PM | Comments (0)

April 07, 2003

HAPPY BIRTHDAY MAMANG and ATE GI

Last April 3 birthday ni Mamang and last April 6 naman birthday ni Ate Gi.Parang 50 yrs ata ang tanda ng Mamang kay Ate Gi.

Nung April 3, Tonti prepared spaghetti for Mamang, then we went to Shangri-La Makati. Swimming mga kids and then dinner sa CPK to celebrate Mamang's birthday.

Enjoy ang mga kids nagsawa sila sa swimming. We spent the night at the hotel. When we woke up swimming kaagad ang nasa isip nila. Si Pancho learned how to swim all by himself with arm floats of course. I just had to tell him what to do. Ganun sya he likes to learn things on his own. Si Maki naman was busy making friends with the other kids in the pool.

Sana andito din sila Mommy , Daddy and Ate Gi para mas masaya.

Happy Birthday Ninang Gigi, we love you, from Pancho, Maki and Chynna Cake.

More pics of Mamang's birthday --------

Posted by gretch at 09:39 PM | Comments (0)

April 02, 2003

The Maki's Prayer

Kung si Pancho laging may personal prayer at night syempre meron din si Maki, although unlike his Kuya iba ang concern ni Maki sa prayer nya.

Papa Jesus please help me to be a good boy, please help me to be strong and smart, please take care of Santa, give us toys, give us food and...and...give us this day our daily bread. Amen.
--------

Posted by gretch at 11:29 AM | Comments (0)