at naulit pang muli…
Bumalik kami sa Canyon Cove last March 28, this time kasama na ang Root Sisters (Pauline and Shern) and their familes and the Manaloto Group of Companies…hehehe
Summer na talaga.

Canyon ulit…
We went back to Canyon Cove last Sunday at dahil walang pasok the next day nag overnight kami sa Canyon
Woods naman in Tagaytay. ENJOY!
Nognog na the boys!

Hindi naman sila magkamukha ah..mas kamukha ko nga si Sef eh.

Little Twin Stars? Aldeguer Sisters?


He Is A Lineman For The County…
I just love this song. This version in particular.
For reasons I don’t even know.
But there is something in this song that just stops your heart, dead cold.
note to self: Pero teka muna…ganito na ba ako ka tanda para ma appreciate ko ito?
Excuse me lang ha…meron din akong Ne-Yo, Bonnie Bailey at katakot takot na Hed Kandi sa iPod noh!

Happy Sunday…
Wala kami sa Jollibee San Francisco. Pero baket kala mo mga turista kami na first time nakakita ng Jollibee sa ibang bansa at kailangan ba talagang mag pa picture kasama si Jollibee? Ewan ko ba pero basta may camerang dala at may bubuyog na aali aligid eh kailangan talaga mag pa picture..malakas ang appeal nitong insektong ito!

Actually first time ko talaga dito.. sa Jollibee Nasugbu. We were on our way to Canyon Cove sa Nasugbu at kailangan mag CR. hehehe
______________________________________
Nag punta kami sa Canyon Cove nung Sunday. Courtesy of Tita Maite and Tita Candy. Sobrang enjoy and the place is really nice. Hindi naman kalayuan pero malinis ang beach. Mga 2 1/2 hours away from Manila.

______________________________________
First time ni Sef sa beach…at ayaw nya umapak sa sand. Pero he wants to play with the water and the sand so we had to borrow baby Nina’s little pool.




______________________________________________________
My favorite in-laws….

At kung may in-laws..meron din namang mga out-laws.. hehehe

________________________________________________________
Ang usapan swimming lang…wala sa usapan ang kumain.

________________________________________________________
Ang laki na ng mga bagets…





________________________________________________________
Super happy ang mga boys…

_________________________________________________________
Canyon Cove, Nasugbu Batangas



Natanggap ko ito sa email at gusto ko lang mag react, punto por punto.
HAY BUHAY AMERICA TALAGA
A friend named ****** posted this.
Lahat ng sinabi niya nakakatuwa at totoo .
Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.
Pero aminin mo…hindi ka naman aalis ng Pilipinas kung konti lang ang pera mong makukuha dyan sa America. Pasalamat ka dahil pag umutang ka dyan eh more or less may pambayad ka. Eh dito pinipilit ng mga credit card companies na bigyan ka ng credit card kahit di mo naman kayang bayaran.
Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America ..
At least mag pasalamat ka dahil may kotse ka. At baket may bus naman dyan ah. Madali kayong makakuha ng kotse dyan dahil kaya ng sweldo nyo. Dito bago ka makakuha ng kotse na bago eh dapat managerial position ka minsan hindi pa. At kahit may kotse ka eh mas gugustuhin mo pang sumakay ng train dahil ang gasolina, bayad sa parking, toll fees eh mas malaki pa sa daily salary mo!
Akala nila masarap ang buhay dito sa America . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit
card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila.
Aba baket? Magtratrabaho ka rin naman para mabayaran ang mga bills ah. At kahit san ka pumunta ganun ang buhay. Kahit si Bill Gates o si Sharon Cuneta eh hindi mo naman makikitang tumatambay sa kapitbahay. Nagtratrabaho din sila.
Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland , Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket.
Talagang masaya ka dahil na afford mong magpunta ng theme park at magbayad ng $70+ na kulang kulang 3,000 pesos dito sa Pilipinas. Naku..dito yang $70 na yan na entrance mo lang for a day eh pamalengke na at pang kain na yan ng isang pamilya dito ng ilang linggo. At 10 hours na sweldo??? Aba dito yang $70 na yan eh halos kalahati ng minimum wage na yan…kalahating buwan!
Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America . Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin.
Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++.
Aba..eh magkano ba ang minimum wage nyo dyan? $11 more or less which is more than 400 pesos an hour? Dito ang minimum wage magkano? 300..A DAY! I compare mo ba?
Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo.
Aba, bongga ka dahil pwede kang umutang ng hanggang ilang milyon. Dito naman ganun din ang mga bahay 30 years to pay ang kotse meron ding 5 years to pay. That is kung papayagan ka ng banko na bigyan ng loan. Hindi ganun kadali umutang dito noh. Kung gusto mo umutang ka sa SSS o Pagibig .. dun ka sa cavite bibigyan ng bahay.
Madaming naghahangad na makarating sa America . Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
din sa ibang bansa katulad ng America . Hindi ibig sabihin dolyar na ang
sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.
Hello??? Alam namin yun noh! Wala pa yata kaming narinig na tumambay sya dyan at dumami ang pera nya. At wala din akong narinig na..”Grabe ang sarap ng buhay dito Pare, pag dating na pagdating ko ang dami ko ng pera!” Ang mga storya dyan eh nag caregiver, nag nursing aid, nag janitor, nakitira kung kani kanino, nag hirap bago dumating kung asan sila ngayon. Pero may narating kung masipag ka. Dito… kadalasan pag nag teller ka, 10 yrs na teller ka pa rin. Pag nag teacher ka 20 years na teacher ka pa rin at ang sweldo mo eh ganun pa rin. Alam namin na mahirap ang buhay dyan, pero baket sa dinami dami ng “mahirap” na storya dyan eh baket pumupunta pa rin sila dyan? At baket sa “hirap” ng buhay dyan baket di kayo umuuwi??? Dahil alam nyo na hindi nyo kikitain dito ang kinikita nyo dyan. Aminin nyo yun. Dahil kahit na anong sabi nyo na masarap ang buhay dito at mahirap ang buhay dyan eh andyan pa rin kayo.
Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang
buksan ang bintana ng katotohanan.
Surely!!! Kaya pala ang dami mong picture sa Disneyland , Seaworld, Six Flags, Universal Studios isama mo pa yung picture mo sa Golden Gate, Beverly Hills at kung saan saan pa. At hindi mababayaran ng $70 ang mga ngiti mo sa mga picture mo na nagkalat sa friendster at multiply, may mga posing ka pa sa harap ng kotse mo.
Syet..ang hirap ng buhay mo dyan talaga. Sana naging ganun kahirap ang buhay dito sa Pilipinas.

Waiting In Vain…
Favorite movie ko pa rin to talaga… and ito yung isa sa mga favorite scene ko sa movie.
Meron akong copy nito sa PC, sa PSP, sa DVD and kung may time lang ako ilalagay ko din sya sa iPod..hehehe
I love din the soundtrack. Halos lahat ng songs maganda. Gusto ko yung version ni Annie Lennox ng Waiting in Vain. Pero ano ba talaga meaning ng “waiting in vain”?
Maghintay ng walang hinihintay? O walang katuturang pag hihintay? O hintay ka ng hintay kahit alam mo namang hindi dadating? Ano ba ang root word ng maghintay? Hintay? Intay? O antay ba?
Wala lang.

Happy New Year!!!
Ang bilis ng panahon. Tapos na ang 2007. At ang masasabi ko lang eh…
Happy New Year!!!

Akalain ko bang look alike pala ako ni Krista Allen at Camilla Belle?
At papasa din pala akong cast ng Korean Telenovela?

Sana Ako Na Lang… Sana Ako Na Lang Ulit.
Yan ang sabi ni Basha kay Popoy.
Nanood kami ng “One More Chance”. (Hindi “Once And For All” Pauline!) Pwede na. Maganda naman sya. May mga parts na nakaka touch, syempre cry ako. Sus kahit commercial lang sa TV naiiyak na ako eh. Anyways, tungkol sa mag college sweethearts hanggang sa naging matured ang relasyon nila na umabot yata ng 5 years at nag plano na silang magpakasal. Tapos na realize ni babae na nawawala na ang self nya at nasasakal na sya sa relasyon. Parang ganun. Naghiwalay pero syempre kailangan sila pa rin in the end. Very typical. Pero may mga moments sya na feel ko. Yung part na super iyak si Basha dahil na realize nya na mahal pa rin nya si Popoy at yung part na hihiwalayan na ni Popoy si Baby dahil mahal pa rin nya si Basha. Natouch talaga ako dun. Oh well since may kasama kaming bagets that time so kailangan may aral ang movie.
Moral of the story, kung kukuha ng boyfriend dapat Engineer. Ang labo.
Popoy (John Lloyd Cruz) and Basha (Bea Alonzo) have been together all their lives. Their love story started when they met as students in the university. Their families loved them, they shared friends, they eventually worked in the same firm and their life plans revolved around each other. There is no Popoy without a Basha and vice versa. They were certain that they will get married someday and build a home together. Everything seems perfect. At least that’s what Popoy thinks.
But all the planning and dreaming eventually took a toll on Basha. Past issues and current controversies suddenly become the main fare in what would have been a routine lunch date. In their first major fight in over five years, Popoy and Basha begin their heart-rending struggle whether to hold on or to move on.

San na si Carrie?
Asan na kaya si Carrie Lucas?
At asan na kaya itong CD namin na to?
Favorite song ko sa kanya ito…
Naalala ko tuloy si Ye. Kaya namin ni Ye na sayawin ito. Promise! Panalo ang choreography!
Pero syempre wala pa rin tatalo dito…
Walang kamatayan na Sometimes A Love Goes Wrong…
Hay naku. Miss ko na my friend.

Asan ka?
Asan ka ng mga panahon na to???
At baket kabisado ko itong lyrics na ito? Kakaloka ito!
At eto pa ang isa. Pero hindi ko ata naalala na nagsuot ako ng outfit na ganyan noh! Pero yung steps pwede pa! nyahahaha
